Inaresto ng mga kapulisan sa bayan ng Romblon, Romblon kahapon ng hapon ang apat na residente ng bayan matapos maaktuhan di umanong nagsusugal sa larong ‘Pusoy Dos’.
Ang operasyon ay ikinasa ng Romblon Municipal Police Station at Romblon Police Provincial Drug Enforcement Unit.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Allan Rovira Patiño, 71; Joana Balangbang Romblon, 37; Joaquin Maligang Dela Cruz, 58; at Malou Romero Dorotan, 35. Pawang mag residente ng Agpanabat, Romblon, Romblon.
Nakuha di umano sa mga suspek ang isang set ng playing cards at bet money na aabot sa P1,520.
Nakakulong na ang mga suspek at masasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602.