Niyanig ng Magnitude 3.7 na lindol ang probinsya ng Romblon nitong hapon ng May 17, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Unang naiulat ng Phivolcs ang lindol ay 3.5 ngunit itinaas ito sa 3.7 sa kanilang ikalawang advisory.
Batay sa report ng ahensya, naitala ang sentro ng lindol bandang 5:38 ng hapon sa layong 11km SW ng Ferrol, Romblon.
Naramdaman ang lindol hindi lamang sa mismong bayan maging sa kalapit na bayan kagaya ng Odiongan.
ADVERTISEMENT
Walang inaasahang damages at aftershocks ang lindol.