Bilang pagkilala sa karangalan na binigay sa bayan ng mga manlalaro na sumabak sa Provincial Athletic Meet, bibigyan ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan ng cash assistance ang bawat atleta ng bayan.
Ayon kay Cajidiocan Mayor Greggy Ramos, P1,000 cash assistance ang matatanggap ng kanilang mga manlalaro bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo at pagsusumikap na magdala karangalan sa kanialng bayan.
“Ito din po ay para magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga Kabataan na mag excel hindi lang sa larangan ng academics pati na rin po sa sports,” pahayag nito nang makausap ng Romblon News Network.
Batay sa datus, mahigit 180 na manlalaro mula Cajidiocan ang tumungo sa bayan ng Romblon, Romblon para sumabak sa kompetisyon.