Sinuspende ng Sangguniang Bayan ng Romblon ang license to operate ng Peping Romblon Cockpit Arena (PeRCA) nang dalawang linggo o apat na magkakasunod na regular cockfighting days, kasunod ng “accidental firing” na naganap noong Marso 11, 2023.
Matatandaan na sa nasabing petsa ay marami ang na-alarma habang isa naman ang nasugatan matapos “aksidente” umanong pumutok ang baril ni Sangguniang Panlalawigan (SP) member, Narciso “Jun” Bernardo, Jr. sa loob ng nasabing sabungan.
Ayon sa SB Resolution No. 047-2023, nalabag ng management ng PeRCA ang Cockfighting Ordinance ng Romblon na nagbabawal sa pagpuslit ng nakamamatay na armas sa loob ng sabungan.
Kasunod nito, ginarantya naman ng PeRCA na lubos na itong mag-iingat at paiigtingin ang securidad sa sabungan sa pamamagitan ng pagbili ng metal detector at pag-inspeksyon sa mga tao. (PR)