Magsasagawa ng fund raising campaign ang iba’t ibang Municipal Police Station sa probinsya ng Romblon sa susunod na mga araw bilang tulong nila sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Isa rito ang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Color Fun Run na gaganapin sa darating na April 26 sa bayan ng Looc, Romblon na mismong pangungunahan ng Department of Interior and Local Government.
Maliban sa makatulong sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro, layunin rin nito na itaguyod at ipalaganap ang adbokasiya tungkol sa pagsugpo sa iligal na droga at mga negatibong epekto nito sa kalusugan, buhay at kinabuksan ng bawat mamamayan.
Sa bayan ng Romblon, ang Color Fun Run ay gaganapin sa darating na Sabado, April 22.