Sinabi ng Romblon Public Employment Services Office na naging matagumpay ang isinagawang Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) nitong nakalipas na weekend sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon sa datus ng PESO, umabot sa 834 ang kumuha ng exam na pinangunahan ng Professional Regulation Commission.
ADVERTISEMENT
Sa bilang na ito, 533 ang kumuha para sa sekondarya, at 301 naman ang para sa elementarya.
Ang lalawigan ng Romblon ay karaniwang kasama sa listahan ng mga Testing Center para sa BLEPT.