Dalawang araw bago ang deadline ng registration period, patuloy na tinatawagan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kwalipikadong botante na magparehistro na para sa October 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Dennis Servanez, Election Officer ng Comelec sa Odiongan, hanggang January 31 na lamang ang registration period
Samantala, simula December 2022 ay mahigit 500 application forms na ang natanggap ng kanilang opisina kasama na rito ang mga new registration, at iba pang transaksyon sa Comelec gaya ng change of surname at iba pa.