Mahigit isang libong Romblomanon ang nakinabang sa katatapos lamang na mobile services ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong January 16 hanggang 18 sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng PRC Mimaropa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon.
Ayon kay Ronald Geronimo ng Provincial Public Employment Service Office, kabuoang 1,263 ang kliyenteng nakipag-transaksyon sa PRC kung saan 403 rito ay para sa application para sa mga licensure exam.
Nagdala rin ang PRC ng ilan pang serbisyo ng kanilang ahensya kagaya ng renewal, initial registration, certification, authentication, duplicate, at change of surname.