Hinihinalang nalunod ang babaeng natagpuang nagpapalutang-lutang sa dagat na bahagi ng Barangay Cajimos, Romblon, Romblon noong gabi ng November 9.
Ayon sa police report ng Romblon Municipal Police Station, ang babaeng kinilalang si Minilyn Galang, 32, ay huling nakitang naliligo sa dagat bandang 5:30 ng hapon hanggang sa nakita itong walang buhay.
ADVERTISEMENT
Wala umanong nakitang injury ang sumiring doctor sa katawan ng babae kaya idineklarang pagkakalunod ang cause of death nito.