Sa Romblon natunton kamakalawa ng mga mga kapulisan ang lalaking pinaghahanap sa Marikina City dahil sa kasong rape. Naaresto ng mga mga kapulisan sa lalawigan ang suspek na kinilalang si Rodel Dion Alcain, 43, tubong Negros Occidental.
Ayon kay Romblon Police Provincial Office Officer-in-Charge Police Colonel Jonathan Paguio, ang suspek ay No. 1 most wanted person ng Marikina City dahil sa apat na counts ng rape sa Regional Trial Court Branch 192.
Ang suspek ay dinala na sa Marikina City para iharap sa korte. Walang piyansa ang kaso ni Alcain.
Sa datus ng Regional Investigation and Management Division, aabot na sa 431 ang mga naaresto na most wanted persons sa rehiyon ng Mimaropa ngayong taon.
Pinuri naman ni Police Regional Office MIMAROPA Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia ang tagumpay ng mga nabanggit na pulis sa Romblon.
“I laud the successful efforts of our police units in this operation and we commend the continuous support of the public who provided vital information leading to the arrest of said wanted person. Walang imposible basta tulong-tulong tayo,” pahayag nito.


































