Arestado ang isang lalaking emplyeado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon matapos makuhaan di umano ng mga operatiba ng pulisya at PDEA ng pinaghihinalang shabu sa kanilang bahay.
Ayon kay Police Capt. Richard Obsid ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay kinilalang si Valentino Magracia Manliguez, 44.
Ang search warrant operation ay kinasa nitong gabi ng October 11 sa bahay ni Manliguez sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
Batay sa police report, nakuhaan umano ang suspek ng aabot sa .5 gram ng pinaghihinalang shabu na nakalagay sa isang nakatiklop na papel, at ilang drug paraphernalia.
Ang nakuhang shabu ay aabot sa street value na P4,000, ayon sa pulisya.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa paglabag sa Secition 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.