Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang pamimigay ng medical assistance sa ilang indigent patients sa bayan ng Romblon, Romblon nitong September 6.
Ayon sa facebook post ng gobernador, sumama ito sa pamamahagi para sa tatlong buwang mga gamot at maintenance ng mga high blood senior citizens ng bayan. Maliban sa mga gamot sa sakit, may kasama rin itong mga vitamins.
Aniya, ang mga supply na ito ay maari ring hingiin sa Romblon District Hospital ng mga gustong humingi.
Sinabi rin nito na isa lamang ito sa mga programa na sinimulan ng provincial gov’t na nagsimula sa Romblon at inaasahang dadalhin sa iba pang munisipyo.