Matagumpay na naidaos sa bayan ng Banton, Romblon kamakailan ang annual Provincial Cooperative Congress na tinawag nilang Ragipunan na dinaluhan ng lahat ng mga
Kooperatiba sa buong lalalwigan ng Romblon. Naging host cooperative ang Banton Multi-Purpose Cooperative (BMPC) at ang LGU Banton sa pamamagitan ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) sa pangunguna ni Mayor Mely Faderanga, at ng designated Municipal Development Cooperative Development Officer (MCDO) na si Vice Mayor Loijorge Fegalan.
Ayon kay Mayor Faderanga, naging highligh sa selebrasyon ang gift giving ng lahat ng kooperatiba sa mga piling Bantoanong kabataan.
Sa loob ng tatlong araw na pagtitipon ay nagkaroon ng seminar, parada, at nagkaroon rin ng community coastal clean-up drive sa mga coastal barangay ng isla.