Aabot sa 852 na tablet at 26 na laptop ang natanggap noong nakalipas na araw ng mga paaralan sa bayan ng Odiongan at ilang bahagi ng Ferrol sa lalawigan ng Romblon.
Ang nasabing mga tablet at laptop ay para sa mga grade 6 pupil ng mga nabanggit na bayan, kaloob sa kanila ng Ayala Foundation at Fundacion Profuturo.
Pormal itong tinanggap ngayong araw ng mga guro mula sa Odiongan North District at Odiongan South District kasama si Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Maliban sa mga tablet at laptop meron ring wifi router, charging dock, at iba pang equipment na kasamang binigay ang mga nabanggit na foundation.
Sa isang facebook post, pinasalamatan ng alkalde ng bayan ang Ayala Foundation at Fundacion Profuturo dahil sa kaloob na ito sa mga estudyante ng bayan ng Odiongan at Ferrol.