Niyanig ng magnitude 2.2 na lindol ang bayan ng San Andres, Romblon bandang 10:01 ng umaga nitong Lunes, February 7.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 12km North West ng San Andres.
Ang nasabing pagyanig ay naramdaman hanggang San Agustin, Calatrava at Odiongan.
ADVERTISEMENT
Walang inaasahang aftershock ang nasabing lindol.
Wala ring inaasahang magiging pinsala ito ayon sa Phivolcs.