Naglunsad ngayong linggo ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pangunguna ng Odiongan Municipal Agriculture Office ng barangay mass anti-rabies vaccination.
Layunin nito na mapanatiling ligtas ang bayan laban sa rabies.
Sa mga barangay ng Progreso Este at Weste, Barangay Mayha, at Barangay Rizal nagsimula ang mga vaccinators at inaasahang mag-iikot sa lahat ng barangay sa bayan.
Libre ang pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa na tatlong buwan taong gulang pataas.
Para sa ibang detalye, maaring bisitahin ang opisina ng Odiongan Municipal Agriculture Office o di kaya ay tumawag sa 567-5733.