Dumating ngayong Huwebes, September 16, ang unang batch ng Pfizer Covid-19 vaccines sa probinsya ng Romblon para sa pagpapatuloy ng bakunahan laban sa Covid-19 sa lalawigan.
Ayon sa Provincial DOH Office – Romblon, may 1,170 vaccines ang nakalaan para sa bayan ng Odiongan at parehong bilang ang inilaan rin para sa bayan ng Looc.
Ang mga nasabing bakuna ay ituturok rin ngayong araw bilang bahagi ng on site, on time vaccination strategy ng Health Department.
Sa bayan ng Odiongan, target na maiturok ang bilang na ito sa mga senior citizen, ayon kay Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Samantala, may karagdagang 15,000 doses rin ng Sinovac vaccines ang dumating ngayong araw para naman sa iba pang bayan na sa lalawigan ng Romblon. Diniretso ito sa cold chain facility ng Romblon Provincial Hospital.