Sinuspende ng lokal na pamahalaan ng Banton, Romblon ang pasok sa mga pribado at pampublikong opisina sa bayan dahil sa banta ng Bagyong Jolina.
Kabilang sa mga suspended ay mga klase sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan.
Ang Banton ay kasalukuyang nasa Signal #2 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa.
Naglabas rin ngayong araw si Banton mayor Milagros Faderanga ng No Sail Policy order upang masigurong walang papalaot ngayong may banta ng masamang panahon.
Aniya, asahan ang 2.6 hanggang 4.5 meters na taas ng alon sa dagat na sakop ng isla kaya mainam na umanong maging maingat.