Nahuli kanina at dinala sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Odiongan ang dalawang menor de edad na nahulicam na nagnakaw ng motorsiklo kamakailan sa Barangay Tabin-dagat sa parehong bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Romblon News Network, bandang 11:30 ng gabi noong September 18 nang makunan ng CCTV ang isa sa mga suspek na naglalakad sa kalsada patungo sa direksyon kung saan nakaparada ang motorsiklong nawala.
Ilang minuto pa ang nakalipas, ang batang nakunang sa CCTV, nakasakay na sa tinangay nitong motorsiklo na minamenho naman ng isa pang menor de edad.
Natunton ang dalawa sa tulong ng mga concern citizens, ng Office of the Mayor at ng Odiongan Municipal Police Station.
Nakuha sa dalawa ang ilang chop-chop na parte ng ninakaw na motorsiklo.