May aabot sa 250 na indibidwal ang magiging benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant o LAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Odiongan.
Ayon sa Odiongan Community Organizing Office, ang mga benepisyaryo ay kanila ng pinulong para sa final orientation at individual interview ng kanilang papasukin o pinatatakbong negosyo.
Ang mga ito ay kasama sa Batch 3 at Batch 4 ng programa na ipinatutupad ngayong second quarter ng taon.
Sa nasabing oryentasyon, siniguro ng DSWD at ng LGU Odiongan na alam ng mga benepisyaryo ang kanilang magiging target pagkakuha ng kanilang ayuda.