Sampung youth organization sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nakatanggap ngayong Miyerkules ng pangkabuhayan package mula sa Odiongan Municipal Youth Development Office.
Mga baboy at kambing na may kasamang mga starter feeds ang natanggap ng sampung youth organization bilang tulong sa pagsisimula nila ng negosyo.
Bahagi ito ng programa ng Local Youth Development Council at ng Odiongan Municipal Youth Development Office sa suporta ng pamahaalang lokal ng Odiongan.
Mismong si Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic ang nanguna sa turn-over ceremony.
Ang gawaing ito ay kasabay rin ng pagdiriwang ng Linggo ng mga kabataan.