Bumuo ng programa ang mga kabataan sa Barangay Balatucan sa bayan ng Looc, Romblon na magiging kapaki-pakinabang para sa mga kapwa kabataang ngayong may Covid-19 pandemic.
Ito ang Pa'Tuon, na naglalayong tulungan at turuan ang mga estudyanteng may mababang performance pagdating sa academics at mga mag-aaral na nahihirapang unawain ang kanilang mga modules o aralin.
Sila ay nagbibigay ng libreng tutorial sessions na tiyak na malaking tulong sa mga estudyante sa Barangay Balatucan.
Sa mensahe ng Punong Bayan, Atty. Lisette Arboleda sa Kick-Off ceremony ng Pa'Tuon at Brigada Eskwela: Bayanihan sa Paaralan, at Brigada Pagbasa ng Balatucan Elementary School noong August 10, ay kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa sektor ng edukasyon at kabataan sa panahon ng pandemya.
Sinabi rin niya na ang mga best practices, at most responsive strategy during pandemic na ito ay dapat hindi lang manatili sa Barangay Balatucan kundi dapat i-adopt ito at e-implement Municipal Level.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng mga volunteers ng programang Pa'Tuon para mas maraming bata silang matulungan.
































