Natagpuan sa isang bundok sa Barangay Tumingad sa bayan ng Odiongan, Romblon noong ika-17 ng Agosto ang naagnas na katawan ng isang Lola na nawala noon pang Mayo.
Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, dalawang magsasaka na mangangaso sana sa bundok ang nakakita sa naagnas na katawan ng Lola.
Dahil sa suot nitong mga damit, kinilala ang babae na si Todesa Lorena Gadon, 80, residente ng Sitio Canlumay nang parehong barangay at merong Alzheimers’ disease o pagiging makakalimutin.
Ayon kay Hercinito Lorena Gadon, bago nawala ang matanda ay huling nakita ang Lola malapit sa Puting Bato sa Sitio Canlumay.
Kumuha na ng skin sample ang SOCO sa naagnas na katawan at sa kamag-anak ng Lola upang sa gagawing confirmatory test.