Tuloy-tuloy ang pagdating sa probinsya ng Romblon ng mga bakuna laban sa Covid-19 mula sa nasyonal na pamahalaan.
August 11 nang dumating ang aabot sa apat na libong (4000) doses ng Covid-19 vaccines ng Sinovac sa cold-storage facility ng Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan.
Ayon sa Provincial DOH Office sa Romblon, ang mga nasabing bakuna ay agad na ipapamahagi ngayong araw sa mga lokal na pamahalaan upang agad ring maiturok sa mga kasama sa A1 hanggang A4 priority list.
Ito ang ika-11th batch ng mga bakunang dumating sa Romblon mula nang magsimula ang vaccination campaign ng pamahalaan.