Naglunsad ng mobile registration ang opisina ng Municipal Registrar sa mga barangay ngayong Hulyo upang tulong sa mga residente ng Odiongan na hindi nakakalabas ng bahay at kanilang barangay dahil sa Covid-19 pandemic.
Layunin ng mobile registration na mairehistro kahit ‘late registration’ ang mga pinanganak sa Odiongan na may edad 0-5 taong gulang na.
Kailangan lamang dalhin ang Certificate of Live Birth at iba pang dokumento ng magulang o ng anak kagaya ng marriage certificate, school record, o baptismal certificate.
Ayon sa lokal na pamahalaan, lilimitahan kada sampung tao kada barangay ang maasikaso ng opisina upang maiwasan ang siksikan.
Nagsimula na ang mobile registration noong July 1 at inaasahang matatapos ng August 13.