Naaresto sa follow-up operation ng mga kapulisan ang sinasabing suspek sa pagpatay sa isang lalaki sa bayan ng Odiongan kaninang madaling araw.
Kinilala ang suspek na si JR Baldera, kainuman umano ng biktima ng gabi na mangyari ang krimen.
Si Baldera ay naaresto sa Bachawan, San Agustin, Romblon.
Sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, bandang alas-3 ng madaling araw nang matagpuan ng kamag-anak ang biktimang si Jezel De Juan Lorenzo, 38, sa likod na kanyang bahay na walang buhay at duguan.
May hiwa umano ang biktima sa leeg na hinihilang sugat mula sa isang matalim na bagay.
Naiwan pa sa lugar ng crime scene ang mga bote ng mga alak na ininum ng biktima at ang tinuturong suspek kasama ang tatlong (3) iba pa.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa krimen upang alamin ang posibleng dahilan sa pagpaslang rito.