Nag-turnover kamakailan ang Provincial Government ng Romblon ng mga gamit medikal sa Sibuyan District Hospital.
Ilan sa mga ito ay isang unit ng Mobile Xray Machine, Anesthesia Machine, Doopler Ultrasound, High Flow Portable Ventilator, 3 Unit ng Defibrillator, at isang unit ng Operating Room Light.
Sa nasabing seremonya, inanunsyo na ang Sibuyan District Hospital ay nasa proseso na para sa pag-upgrade para maging Level 1 hospital.
Pinangunahan nina Governor Jose Riano at Congressman Eleandro Madrona ang pagturn-over sa mga makabagong kagamitan na mas kailangan ng publiko lalo na ngayong may pandemya.