Nasunog kagabi ang loob ng isang service center ng isang kilalang tindahan ng motorsiklo sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, bandang alas-9:43 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Den’ Commerical Building kung saan umuupa ang Du Ek Sam, Inc.
Mabilis namang naapula ang apoy at naagapang kumalat ito sa ibang bahagi ng gusali kaya tanging ang service center lamang ang nasunog.
Tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog sa gusali at kagamitan ng kompanya.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Samantala, patuloy na inaalam ng Odiongan Fire Station ang posibleng pinagmulan ng sunog.