Arestado ang apat na residente ng Barangay Canduyong sa bayan ng Odiongan sa Romblon matapos di umanong maaktuhan ng mga operatiba ng Philippine National Police na nagsusugal nitong hapon ng June 27.
Sa report mula sa Romblon Provincial Police Office, bandang alas-4 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Provincial Intelligence Branch at ng Odiongan Municipal Police Station sa Purok Centro na di umano ay naglalaro ng mahjong.
Nakuha sa mga suspek ang cash na ginamit di umanong pantaya, at 140 pirasong mahjong tiles.
Ang mga naaresto ay dinala na sa himpilan ng CIDG sa Odiongan habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanila.
Wala silang pahayag.