Walang buhay na ng malambat ng isang mangingisda ang isang lalaking 57 gulang sa dagat na sakop ng Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan, Romblon kahapon ng hapon.
Kinilala ang lalaki na si Felix Famorcan Perez, residente ng Sitio Baito.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:55 ng hapon nang makita ng mga mangingisdang sina Junard Tandog Gabriel at Niel Orencio ang katawan ni Perez habang sila ay nangingisda.
Natapakan umano ng isa sa mga ito ang katawan ng lalaki na nasa ilalim ng tubig.
Agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang lalaki ngunit idineklara itong dead on arrival.
Huling nakita umano si Perez na umiinum ng alak umaga ng Miyerkules at dumiretso sa dagat para maligo sa dagat.
Walang nakikitang foul play ang pulisya sa insidente.