Nabiktima ang ilang restaurant sa bayan ng Odiongan ng isang scammer na nag-order ng mga pagkain at nagpakilalang tauhan ni Vice Governor Felix Ylagan.
Ayon sa bise gobernador, umoorder ng maramihan ang scammer at hihingi ng load pagkatapos ang transaksyon.
Ilan sa nabiktima at muntik ng mabiktimang mga kainan ay J&D Resturant, Smohk, Footprints, Danica Cafe, Taky’s at Ghetto Plates.
Sa isa sa mga restaurant umabot ng P10,000 ang na order na pagkain sa kanila ng scammer.
“Restaurant and other Business owners in Romblon please be advised to take due diligence when transacting via phone or online, some unscrupulous individuals maybe using my name to disrupt or take advantage of your business,” babala ng bise gobernador.
Ang scammer ay ginagamit ang numerong 0936 232 2930 sa kanyang pagtawag.
May mga naiulat na rin na parehong scheme ng scam at gamit rin ang parehong numero sa ilang probinsya sa bansa.