Humihingi ng tulong ang isang pamilya sa bayan ng Odiongan sa Romblon para makapagsimula muli matapos silang masunugan nitong Biyernes sa Sitio Siok sa Barangay Libertad.
Kwento ni Ferdinand Zuela, umalis sila ng kanilang bahay para pumunta sa dagat at para kumuha ng huling isda ngunit pagbalik nila ay sunog na ang kanilang tahanan.
Posible umanong nagsimula ang sunog sa abuhan ng kanilang bahay at mabilis lang kumalat dahil gawa lamang sa light material ito.
Wala silang naisalbang mga gamit kundi ang dala lamang nilang damit.
Maging ang lumang motorsiklo ng pamilya, natupok rin ng apoy.
Ngayon, pansamantala siyang nakatira kasama ang dalawa niyang anak sa kubo malapit sa nasunog niyang bahay.
Para sa mga nais tumulong sa pamilya, maaring kontakin Ann Labarento sa numerong 09301862747.