Isang Authorized Persons Outside Residence (APOR) mula sa Romblon, Romblon na tumungo ng Odiongan noong ika-26 ng Pebrero ang nagpositibo sa Covid-19.
Ayon sa Odiongan Public Information, dalawang beses nag positibo sa rapid antigen test ang APOR kaya ito sumailalim sa RT-PCR Swab Test.
Mula Odiongan, inilipat ng Romblon, Romblon ang APOR upang doon ipagpatuloy ang kanyang quarantine at upang mabantayan ng Rural Health Unit ng Romblon.
Nag palabas narin ang lokal na pamahalaan ng Odiongan ng ‘Self-Monitoring Advisory’ sa lahat ng nakasabay ng APOR sa barko ng Montenegro mula Romblon patungong Odiongan noong February 26.
Ang lahat umano ng nakasakay sa biyahe ng barko noong February 26 ay dapat mag mandatory self-monitoring sa loob ng labin-apat (14) na araw.
Sa ngayon, 7 na ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong probinsya ng Romblon.