Labindalawa (12) na construction workers sa probinsya ng Romblon ang natulungan ng Department of Labor and Employment na makuha mula sa kanilang employer ang hindi nabigay sa kanilang 13th month pay.
Ayon sa DOLE-Romblon, pinangunahan ni Provincial Director Carlo B. Villaflores ang conciliation-mediation sa employer ng 12 na construction worker.
Aabot sa P66,138 na halaga ng benepisyo ng 12 na manggagawa ang naiabot sa kanila noong nakaraang buwan kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng P3,904 hanggang P9,000 na pera.
Ayon kay PD Villaflores, ito ang unang Single Entry Approach (SEnA) case ng DOLE-Romblon ngayong 2021.
Ang SENA ay isang administrative process na nagbibigay ng mas mabilis na settlement sa mga problema na idinudulog sa ahensya.