Arestado sa Barangay Lucsuhin, Silang, Cavite ang lalaking wanted sa bayan ng Odiongan ng mahigit 13 taon dahil sa kasong Frustrated Murder.
Kinilala ng Romblon Police Provincial Office ang naaresto na si Alberto Gacula Gado, 35 anyos, residente ng Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pulisya, pansamantang naninirahan ang suspek sa Silang Cavite kung saan siya naaresto noong ika-5 ng Enero.
Taong 2007 ng lumabas ang warrant of arrest laban sa suspek sa ilalim ng Criminal Case Number OD-593 dahil sa kasong Frustrated Murder.
Inaasahang ibabiyahe ang suspek pabalik ng Odiongan sa mga susunod na araw para iharap sa korte.
Maaring makalabas ang suspek kung magbabayad ng piyansang aabot sa P200,000.