Muling nagsimula sa bayan ng Odiongan ang operasyon ng paglilinis ng mga nakaharang sa gilid ng kalsada noong Lunes, January 18, alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Kasama si acting mayor Diven Dimaala, nilinis ng grupo na binubuo ng Odiongan Municipal Police Station at Odiongan Transport and Regulatory Unit (OTRU) ang mg anakaharang sa J.P. Laurel Street mula Children’s Park and Paradise patungong Odiongan Public Market, isa sa kalsada sa bayan na may masikip na daloy ng trapiko.
Paalala ng Dimaala, may mga ordinansa sa bayanng Odiongan na nagbabawal sa mga sagabal sa kalsada kaya ang mga hindi susunod sa kanilang clearing operation ay mananagot sa batas