Nag positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang isang pasyente mula sa Romblon District Hospital na inilipat sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan noong isang araw.
Ito ay batay sa lumabas ngayong araw na resulta ng Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) na isinagawa sa kanya.
Wala pang pahayag ang Romblon Provincial Hospital at ang Department of Health kaugnay sa bagong kasong ito ng Covid-19.
Hiniling ng lokal na pamahalaan ng Odiongan sa publiko na maging mahinahon, sundin ang lahat ng health protocols, mag-antabay ng balita mula sa LGU, huwag magpakalat ng maling impormasyon, at huwag magdiskrimina at manghusga sa kaninuman.
Dahil dito, umakyat na sa dalawa (2) ang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya.