Ang Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga Sangguniang Kabataan ng Odiongan at ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Odiongan Chapter ay muling nagsagawa ng coastal clean-up kahapon sa baybayin ng Firmalo Boulevard sa Barangay Tabin-Dagat at Ligaya sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Kasama nila sa clean-up drive ang mga miyembro ng Regional Emergency Assistance Communications Team (REACT) – Red Marble Group, Alpha Kappa Rho, Magic 5 Fraternity and Sorority, Sigma Alpha Epsilon, Visayas Mindanao Brotherhood Association, Beta Sigma Fraternity, at mga miyembro ng Romblon Ultimate Frisbee Community.
Ang nasbaing clean-up drive activity ay pagpapatuloy ng nauna na nilang inilunsad na clean-up drive sa nasabing lugar.
Layunin nito na mapanatili kagandahan ng lugar lalo pa at ito ay madalas na pinapasyalan ng mga residente ng Odiongan na gustong magpahinga.