Matapos isara dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, binuksan nang muli kahapon, December 6, sa publiko ang Pasalubong Center sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Itinaon ang muling pagbubukas nito sa ikalawang ‘Baligyaan sa Odiongan’ na ginanap rin kahapon.
Dito nakalagay ang mga produktong lokal hindi lamang mula sa bayan ng Odiongan kundi sa buong Tablas, Romblon.
Maaring mabili rito sa bagsak presyong halaga ang mga turmeric tea, bamboo tumbler, peanut butter, at iba pa.
Bukas ang Pasalubong Center na matatagpuan sa loob ng Municipal Tourism Building tuwing weekdays, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.