Isang locally stranded individual o LSI na umuwi noong December 20 sa bayan ng Odiongan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19, batay sa lumabas na resulta ngyaong araw, December 28.
Ayon sa Odiongan Public Information Office, ang nasabing LSI ay nagpositibo sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test.
Simula pa ng dumating ito sa pantalan ng Odiongan ay dumiretso na ito agad sa quarantine facility ng bayan.
Patuloy siyang sasailalim sa isolation habang ang kanyang kalagayan ay binabantayan ng Municipal Health Office.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Odiongan alinsunod umano sa inilabas na protocol ng Department of Health.
Ito na ang ikalawang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bayan.