Suspendido muna ang pagpapatupad ng curfew hour sa bayan ng Odiongan sa huling araw ng taong 2020, bilang paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon.
Ito ang inanunsyo ni Odiongan vice mayor Diven Dimaala nitong Miyerkules, December 30.
Ang nasabing suspensyon ay sa bisa ng Ordinance No.2020-66 na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Odiongan nitong nakalipas na mga araw.
Maliban rito, suspendido rin mula December 31, 2020 hanggang January 1, 2021 ang number coding sa mga bumabiyaheng tricycle sa bayan upang bigyang daan parin ang paghahanda sa bagong taon.