Arestado ang apat na lalaki sa bayan ng Odiongan, Romblon nagputol ng puno ng mahogany ng walang kaukulang permiso sa otoridad.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office, ang apat ay nahuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – Romblon at Department of Environment and Natural Resources – Romblon kasama ang Odiongan Municipal Police Station sa isang operasyon nitong hapon ng December 4 sa Sitio Dulom, sa Barangay Tulay.
Nakuha sa mga suspek ang isang lisensyadong chainsaw, at mga iba't ibang sukat na pinutol na ng mahogany na may estimated market value na aabot sa 5,895.
Sa pagsusuri naman ng Odiongan Municipal Police Station, lumalabas na ang dalawa sa mga suspek na kinilalang sina Wilbert Victoriano at Berwin Victorianao ay naaresto na noon dahil sa parehong paglabag sa batas.
Nakakulong na ngayon ang apat sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group – Romblon.
































