Nagpapatuloy ang ginagawang supplemental immunization activity ng Department of Health sa probinsya ng Romblon.
Ayon sa ulat ng Department of Health – Romblon, mahigit kalahati na ng kanilang target na mga bata sa probinsya ang nabigyan na ng bakuna kontra polio, measles, at rubella.
Sa bayan ng Corcuera, Romblon, mismong si Mayor Elmer Fruelda ang sumama ngayong Huwebes sa mga health workers ng kanilang Rural Health Unit para suyuin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 taong gulang pababa.
Target makompleto ng DOH-Romblon ang pagbabakuna bago dumating ang November 25.