Tiklo ang dalawang lalaki sa bayan ng Odiongan matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit na gumagamit ng iligal na droga nitong ika-10 ng Nobyembre.
Natukoy ang mga suspek na sina William Forio Ignacio, 42, at John Magnaye Santos, 38, pawang residente ng nabanggit na bayan.
Ayon kay Captain Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, may nakapagsumbong umano sa mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Major Peter Brian Fallurin na di umano ay may nagaganap na pot-session sa bahay ng ni Ignacio.
Bago pasukin ng pulisya, nakunan pa nila ng video ang ginagawang pag batak ng dalawang suspek ngunit pagpasok nila ay agad na naitapon ng mga suspek ang droga at paraphernalia sa inidoro.
Dahil rito, walang narekober sa mga suspek na droga.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Odiongan Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.