Walong senior citizen na edad 95 hanggang 99 taong gulang sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap ngayong araw ng P50,000 cash incentive mula sa pamahalaan panlalawigan ng Romblon.
Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang pagbibigay ng cash incentive sa mga lola at lolo mula sa bayan ng Sta. Fe, Looc, Calatrava at Odiongan.
Ang nasabing cash incentive ay tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga matatandang walang natatanggap na pensyon sa gobyerno. Ang natanggap nilang pera ay maaari nilang magamit pambili ng kanilang mga kailangang pagkain at gamot.
Hiwalay pa ito sa ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kapag umabot sila sa edad na 100 taon bilang kanilang centenarian gift mula sa pamahalaang nasyonal.
Pinapayuhan ang publiko kung may kakilalang kwalipikado ay lumapit na sa Provincial Social Welfare Development Office para maisama sa susunod na mabibigyan.