Arestado ang isang lasing na lalaki sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon matapos itong makitaang may sukbit na revolver habang nakahiga sa gilid ng barangay road nitong hapon ng Lunes.
Kinilala ang suspek na si Mark Lowe Forteza, 37 anyos, residente ng Sitio Silangan sa nabanggit na barangay.
Ayon sa pulisya, inaresto nila ang suspek matapos wala itong maipakitang dokomento kaugnay sa dala niyang baril. Nakuha sa suspek ang .38 revolver, at anim na bala ng baril.
Bago maaresto ang suspek, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga concerned citizen sa nanggugulo umano ito sa lugar.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.