Nakatanggap ng kambing ang ilan sa mga residente ng bayan ng Odiongan na may mga kapansanan o mga Persons with Disabilities (PWDs).
Si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang nanguna sa goat dispersal, na magsisilbing panimulang pangkabuhayan ng mga benepisyaryong PWDs.
May aabot sa 22 kambing ang naipamigay para sa unang batch at tinatayang aabot sa mahigit 90 ang nakatakda pang ipamigay ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magkakaroon pa ng ikalawa at ikatlong goat dispersal sa mga susunod ng araw.
Samantala, pinasalamatan ng lokal na pamahalaan ang programang Angay Buhay ni Vice President Leni Robredo sa pagtulong sa pagpundo sa nasabing goat dispersal program.