Kasabay ng ibang opisina ng Highway Patrol Group (HPG) sa Mimaropa, nagsagawa rin ng ‘One Time Big Time’ operation ang HPG sa Romblon kahapon, October 21.
Ang nasabing operasyon ay para masiguro na ang lahat ng sasakyan na bumabiyahe sa mga national road sa probinsya ng Romblon ay rehistrado at hindi mga nakaw.
Binisita ng HPG sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Dindo Rivas ang iba’t ibang talyer sa bayan ng Odiongan at tiningnan ang mga numero sa chassis at makina ng mga pinapaayos ritong sasakyan.
Nakiisa rin sa operasyon ng HPG ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station at ang Odiongan Transport and Regulatory Unit.