Natagpuan na ngayong umaga sa baybayin ng Barangay Budiong ang binatang nawala matapos tangayin ng agos ng ilog sa Barangay Tulay sa bayan ng Odiongan nitong Lunes, sa kasagsagan ng bagyong Quinta.
Ang bangaky ng binatang si Sherwin Familaran, 18 taong gulang, ay nakita ng mga residente ng Barangay Budiong kaninang umaga na nasa gilid na ng dalampasigan.
Maalalang sa gitna ng pananalasa ng bagyo, si Familaran at ang apat na kaibigan nito ay gumawa ng balsa gawa sa puno ng saging at ginamit para tawirin ang ilog hanggang sa magdesisyon sila na umatras nalang ngunit naiwan sa balsa ang binata na kinilalang si Sherwin Familaran, 18 taong gulang, residente ng Barangay Tulay.
Sinubukan pa umanong iligtas ng kanyang mga kaibigan si Familaran ngunit bigo ang apat dahil sa malakas na agos ng ilog.
Nagpapahirap sa search and retrieval operation nila kahapon ang malakas na ulan, malakas na agos, at mataas na tubig sa ilog.
Samantala, ligtas naman ang dalawang kasama ni Familaran na sumakay ng balsa.
Paalala ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, huwag hayaan ang mga bata na maligo sa ilog sa gitna ng baha o isang bagyo para makaiwas sa mga ganitong pangyayari.