Binuksan na sa publiko nitong Martes, ika-15 ng Seyembre, ang One Town, One Product hub sa bayan ng Odiongan na matatagpuan sa loob ng opisina ng Odiongan Negosyo Center sa Municipal Tourism Building.
Ito ay ay proyekto na pinagtulungan ng Department of Trade and Industry, Odiongan Negosyo Center, at ng Lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Ang nasabing One Town, One Product Hub ay naglalaman ng iba’t ibang produkto mula sa iba’t ibang micro, small and medium enterprises sa buong lalawigan ng Romblon.
Ito ay magsisilbing isang Pasalubong Center sa bayan ng Odiongan kung saan madalas na dinadaanan ng mga biyaherong pumapasok ng probinsya ng Romblon.
Pinangunahan ng mga opisyal ng LGU-Odiongan kasama si DTI-Romblon Provincial Director Noel Dr. Flores.